Ang Payaso
Ako ba talaga ay masaya?
O hulmado ang labi na masaya.
Pero hindi na yon importante,
Basta masaya, yon ang importate.
Kadalasan sambit ko'y kalokohan,
ito'y sadya, kaya wag sana husgahan.
ang nais ko lang nmn ay magtawanan,
kahit kapalit ay mag tangatangahan.
Pag tapos na ang tawana't kalokohan,
At kayo'y umuwi na sa inyong tahanan.
"Iniwan na naman ako" yan ang nasa kaisipan,
at kinain muli ang payaso ng kalungkutan.
Hindi nya maintindhan? sila'y andyan sa tawanan,
Pero nag lalaho pag syang nasa kalungkutan?
kaya muling ihuhulma ang labi ng masaya,
at sisimulan ulit ang pag papatawa...
"Sana my payaso para sa payaso"
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento
I post mo ang kinemer mo!!