Si Ballpen
Simpleng bagay lang si ballpen, hindi sya mahilig pumapel kase isa syang ballpen, minsan sya ay nagtatae pero sya pa rin ay ballpen, nawawalan din ng tinta dahil sya ay ballpen. Pero lingid sa ating kaalaman, si ballpen ay madaling ma-fall kaya madalas syang nawawalan ng sulat.
Madalas si ballpen ay naiiwan sa table ng isang web developer dahil madalas si keyboard ang gamit ni web developer. Ang ballpen ay madalas nakatambay lang pero dumating ang isang araw na may nakilala syang kaibigan at yon si Payong(umbrella). Madalas nagsusulat si ballpen at ito naman ay nababasa ni Payong, parang rewarding kay ballpen pag nakikita nya si Payong na ngumingiti sa mga sulat nya, eh panong hindi ngingiti tong si Payong madalas puro biro ang isinusulat ni ballpen mas lamang pa yong biro nya kesa sa mga fact nyang isinusulat.

Dumaan ang maraming araw at sa di inaasahang sirkumstansya, naging magkaibigan si Ballpen at Payong. Pakiramdam ni ballpen nagiging GTECH sya pag kausap nya si payong (actually HBW lang sya), parang etong si Ballpen manghang-mangha kay payong dahil madami na itong na puntahang lugar dahil kung ikukumpara nya ang sarili nya, lagi lang sya nasa desk ng nagmamay-ari sa kanya. Ang maganda nito si Payong di sya maarte o mayabang kahit alam nyang higit or mas sya kay Ballpen down to earth pa din sya, but wait there's more si Payong kase magaling syang mag payo at wala syang pinipili na bagay na gustong sumukob sa kanya pag my malakas na ulan or nakapang-lalatang init ng araw in short super bait nya.
Dahil sa ganun pag-uugali nagkaroon si Payong ng madaming kaibigan ito ay sina Earphone, Hand sanitizer at Tooth Paste. Si Earphone nakapa-good listerner nya take note branded sya (phillips), si Hand Sanitizer ubod ng linis at Si Tooth paste walang kahit isang sirang ipin. Parang lumaon naging close si Payong at si Earphone kase nagkakasama sila pag may lakad ung nag mamayari sa kanila, pano? syempre pagmaaraw nakapayong taz nakasuot ang earphones.
Madaming araw muli ang lumipas, ang sulat ni ballpen ay unti-unti ng kumukupas. Si hand sanitizer naman ay pagaan na ng pagaan. Si Tooth paste naman ay papayat na ng papayat (Diet), Si earphones naman napakadami na nyang narinig na kwento sa bagong nyang kaibigan. si Payong normal pa rin kase hindi sya sa palengke nabili, kundi sa SM, ang brand nya ay Fibrella.
Si Ballpen, madalang na lang nya napapabasa kay Payong ang kanyang mga sulat dahil abala o humati sa oras nila si earphones. Unti-unting nilalamon si Ballpen ng kayang kulay itim na tinta, sumasagi sa kanyang isip na sana sya na lang ung kaibigan ni Payong. Minsan may pangyayari pa na iniintay nya si Payong na ayain sya mag golf pero sya ay nabigo, dahil hindi sya nito inaya. Dahil sa pang yayari na yon naging emo na itong si Ballpen naging favorite nyang band ang typecast tapos kumakanta sya ng will you ever learn. Sa pag kanta nya naalala nya ung mga dati nya kaibigan na sina BB Cream at CC Cream na silang tatlo ay nagsasalo sa tawanan tapos di nya alam na wala na pala syang katawanan dahil nakahanap din ung dalawa ng bagong kaibigan. Bigla nyang nabagit sa sarili nya na "It's a dejavu". Kaya nag promise sya sa sarili nya na kesa maramdaman nya ulit yon, lalayo na sya kay Payong, pero lahat ng promise nya nalalagyan ng liquid paper or correction tape pagnakikita nyang nakangiti si Payong.
Pero sa huli narealize ni Ballpen na kung ano man ang nararamdaman nya, hindi na nya ito kailangan pang isulat. Uubusin na lang nya ang tinta nya sa mga kwento or sulat na makapag papangit kay payong at kaht anu man ang mangyari. Siya ay Ballpen at kailan man hindi pwede maging payong. :-(

~ Sa tingin nyo tama lang ba ung desisyon ni Ballpen?
Mag cocoment ako sa sarili kong gawa, grabe ang ganda nito. Life changing after reading. thanks Robert
TumugonBurahinKung di magririsk si Ballpen, matitigil na agad yung story.. di nya malalaman anong mangyayare pag sinabi nya kay payong. Author part 2 pls.
TumugonBurahin